LTO – Ragay tigil operasyon muna matapos masunog ang stockroom

NAGA CITY- Tigil operasyon muna ang Land Transportation Office (LTO) Ragay matapos masunog ang stockroom kahapon.

Sinabi ni Regional Director Franz Ranches na matapos ang insidente kailangan pa ng inspeksyon ng mga engineers. Nilinaw naman nito na ang mga nakaimbak na dokumento ay pasok na sa disposal stage. Kung sakali mang mayroong bago may digital copy naman ang LTO.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Wala aniyang dapat na ipag-alala ang mga may pending transactions , oras na mabigyan ng go signal muling magbubukas ang tanggapan.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Mababatid na sumiklab ang sunog sa LTO- Ragay 8:15 Huwebes ng umaga. Naagapang kumalat ang apoy at nakapagresponde ang Bureau of Fire Protection (BFP).