NAGA CITY—Inalerto ng Land Transportation Office Bicol ang kanilang mga tanggapan sa Camarines Sur upang paghandaan ang posibleng armageddon ng mga sasakyan na magsasakay ng mga uuwing kababayan mula sa National Capital Region dahil sa inaasahang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine doon.
Ito ang sinabi sa panayam ng Brigada News FM Naga ni LTO Bicol Regional Dir. Franz Ranches Jr.
Ayon kay Ranches, mahigpit nilang babantayan hindi lang ang mga kolurom na mga van kundi pati narin ang mga pribadong sasakyan na ginagamit ng mga nangongontratang operator upang hindi makalusot sa border ng lalawigan.
Kung makakalusot naman ani ng opisyal, ay hindi parin sila ligtas sa mga gagawing operasyon ng mga LTO Offices sa probinsya gaya ng sa Ragay, Pamplona at Naga City.
Nagbabala naman si Ranchez sa mga nang-aalok ng sakay sa facebook na mayroon silang dedicated team na nagmomonitor sa mga ito at katunayan pa nga ani Ranchez ay mayroon na silang nahuli at nakasuhan dahil dito.
Pinakiusapan din nito ang mga commuters na huwag tangkilikin ang bawal imbes sumakay na lang sa mga provincial buses na binigyang special permit ng LTFRB.