LTO muling nagpaalala sa mga may ari ng sasakyan na huwag gawing parking area ang national highway

CAMARINES NORTE – Nagpaalala ang Land Transportation Office (LTO) sa mga nagmamay ari ng sasakyan na huwag gawing parking area ang national highway.

Ito ay upang hindi magsilbing obstruction sa kalsada at maging sanhi pa ng disgrasya lalo na ang mga truck na nakaparada sa gabi.

Read More:  Grade 10 student found carrying loaded revolver inside Iloilo school

Ayon kay LTO Daet  Assistant Chief Romeo Candelaria dapat manatiling obstruction- free ang national highway sa lahat ng oras.

Mayroon naman aniyang ginagawang road clearing operation ang mga LGU at ang national government agency.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Kung maalala patay ang isang motorcycle rider makaraang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang truck na nakaparada sa national road sa bayan ng Talisay noong nakaraang linggo.