LTO, magtatalaga ng tauhan na tututok sa kampanya kontra colorum sa Zambales at Olongapo

Pipili ng tauhan ang land transportation office para tumutok sa kampanya kontra colorum sa Olongapo at Zambales.

Ito ay para pagbigyan ang hiling ng mga lehitimong transport group na umaalma dahil sa pagdami ng mga namamasada sa lalawigan, Metro Manila at mga karatig probinsya.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ayon kay LTO Region 3 Dir.Ed De Guzman, maliban sa team na binuo ng opisina para manghuli ng mga colorum ay magtatalaga ng tauhan mula sa satellite office para tumutok sa kampanya.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Una nang inamin ng Land Transportation Frachising and Regulatory Board na hindi kaya ng opisina na hulihin ang lahat ng mga colorum sa Zambales at Olongapo dahil sa apat lang ang tauhan na assigned sa enforcement division.