LTFRB, nanawagan ng dayalogo sa TNVS sa NCR

Inimbitahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga lider ng iba’t-ibang transport groups para sa isang dayalogo kaugnay sa pagtutol sa desisyon ng ahensya na magbukas ng karagdagang 10,000 na slots para sa Transport Network Vehicle Services (TNVS) sa Metro Manila.

Read More:  Prosecution not afraid of Lachica testimony, questions its value in VP Duterte impeachment trial

Paliwanag ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III, na ang dayalogo ay ang magiging proper forum para ihalad ang mga problema ng transport groups para makabuo ng proper discussions.

Ang pahayag ni Guadiz ay matapos tutulan ng transport groups sa pangunguna ng Laban TNVS ang desisyon ng LTFRB na magbukas ng 10,300 na karagdagang TNVS slots sa Metro Manila, kabilang na ang Metro Manila Urban Transportation Integration Study Update and Capacity Enhancement Project (MUCEP) area.

Read More:  Romualdez camp cites recantations, but Ombudsman cites 28 witnesses in flood control probe

Giit kasi ng ahensya, na ang pagbubukas ng mas maraming slots ay sagot sa mga reklamo kaugnay sa kakulangan ng public transport sa Metro Manila. //MHEL PACIA-TRINIDAD