LRTA, nagbabala sa paggawa ng delikadong video content sa loob ng tren

Nagbabala ang Light Right Transit Authority sa paggawa ng mga video sa loob ng tren na nagpapakita ng mga aktibidad na maaaring magdulot ng panganib sa mga pasahero.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang mga video ng isang pasaherong nag-set up ng dinner table date habang umaandar ang LRT-2 train.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Nilinaw ng LRTA na walang pahintulot ang mga “random train date” videos na in-upload ng isang content creator.

Ayon sa LRTA, mahigpit na ipinagbabawal ang ganitong mga aktibidad sa kanilang mga pasilidad.