LRT-1, inilunsad ang Heritage Transit Tour upang mapalakas ang urban tourism

Inilunsad ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) katuwang ang Renacimiento Manila ang Heritage Transit Tour upang palakasin ang urban tourism sa Maynila.

Ayon kay LRMC Head of Corporate Communications and Customer Relations Jacqueline Gorospe, layon nitong ipakita ang mayamang kultura ng Maynila sa pagsakay ng LRT-1 na kung saan ito ang pinakamalaking transit system sa nasabing lugar.

Read More:  Comelec reports successful BARMM election system simulation

Sinabi naman ni Renacimiento Manila President Diego Gabriel B. Torres na isang malaking karangalan na masama sa pakikipagtulungan ng LMRC para itaguyod ang kultura at makasaysayang ruta ng Maynila sa pamamagitan ng aktibong transportasyon tulad ng LRT-1.

Read More:  INC opposes planned plunder case against Marcoleta

May nakatakdang tour sa Nov. 19, Nov. 25 at Dec.10.

Nagkakahalaga ng P500 ang tour na may kasamang exclusive LRT-1 ikotMNL merchandise, souvenir map, beepTM card na may unlimited LRT-1 fares para sa isang araw.