Nasawi ang isang senior citizen na tinamaan ng COVID-19 na mula sa Kayhuvokan, Batanes.
Ito na ang ikalawang related death case ng probinsya.
Ayon sa Provincial Government ng Batanes, ang pasyente ay 88-anyos na lolo at naitalang nasawi ngayong araw, September 28, 2021.
Samantala, umakyat pa sa 451 ang total active cases ng lalawigan matapos madagdagan ng 41 na mga bagong tinamaan ng virus.
Mula sa nasabing bilang, apat ang nasa kritikal na kondisyon, 6 ang severe, 15 ang moderate at 426 naman ang mild cases.
Ngayong ay naitala rin ang 12 na bagong recoveries. Pinayuhan naman ng Pamhalaang Panlalawigan ang mga residente na nakararanas ng sintomas ng COVID-19 na agad na magpakonsulta sa Batanes General Hospital.