Listahan ng mga peste na posibleng umatake sa mga sakahan, inilabas ng DA Region 3

Naglabas ng babala ang Department of Agriculture o DA Region 3 sa mga local farmers hinggil sa mga insektong posibleng umatake ngayong unang kwarter ng taong 2023.

Base na rin sa historical data ng DA na nararanasan sa rehiyon kada-taon.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kabilang sa ibinabala ng ahensya ang mga field rat o dagang bukid at Brown Planthopper kung saan asahan na maaapektuhan ang lahat ng probinsya sa Central Luzon maliban sa lalawigan ng Zambales.

Maliban dito mayroon ring Rice Black Bug na maaaring umatake sa lahat ng probinsya ng rehiyon maliban sa Bataan at Bacterial Leaf Blight na maaaring tumama sa buong Central Luzon maliban sa lalawigan ng Tarlac.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Samantala, isa sa ikinababahala ng DA ang Rice Stemborer na posibleng makaapekto sa lahat ng mga sakahan sa buong Gitnang Luzon.