Limang grupo ng mga magsasaka sa lalawigan, bibigyan ng dagdag kabuhayan ng DA

Bibigyan ng dagdag kabuhayan ng Department of Agriculture ang limang grupo ng magsasaka sa lalawigan ng Zambales.

Ito ay bilang tulong ng ahensya sa mga magsasakang lubos na naapektuhan ng krisis sa ‘highly vulnerable areas’ sa katimugang probinsya.

Ayon kay Provincial Agriculture Officer Russell Quitaneg ang mga naaprubahan ng mga grupo nakaraang buwan ay mula sa San Felipe, San Antonio, San Narciso, Castillejos at San Marcelino.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Ang mga napiling grupo naman ang bahalang magsumite ng kanilang project proposal o kabuhayan sa DA upang mapag-aralan ito at mabigyan ng pondo para sa pag-uumpisa.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Bahagi naman ng Bayanihan 2 program ng pamahalaan ang pangkabuhayang ito na kaagapay ang DOLE, DAR at iba pang ahensya.

Dagdag pa ng opisyal, ang mga piniling grupo ay lehitimo o rehistrado ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture.//Russell Banawa-BNFM IBA

May be an image of one or more people and text that says 'Para sa mas maginhawang araw! SHOP NOW! Lazada Power Cells 6 in Salabat Herbal Mix Ginger Brew Û. www.powercells.ph'