“Libreng sakay” program ng BJMP Sto. Domingo, Albay, ipinatupad kahapon

LEGAZPI CITY – Nagpatupad kahapon ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng bayan ng Sto. Domingo, Albay ng “Libreng Sakay” program dahil sa tigil-pasada ng mga PUV sa buong bansa.

Ayon kay SJO4 Arturo Briñas ng BJMP Sto. Domingo Albay, tinangkilik ng publiko ang kanilang ipinatupad na programa dahil sa transport strike kahapon.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Nagsimula ang pagbyahe ng nasabing programa mula alas 6 hanggang alas 9 ng umaga sa nasabing bayan patungo sa lunsod ng Legazpi vice versa.

Aniya, tuwing magkakaroon ng tigil-pasada sa bansa ay mayroong ibinibigay na libreng sakay ang mga ahensya ng gobyerno upang hindi maapektuhan ang pagsakay ng mga pasahero o empleyado papasok sa kanilang pinagtatrabahuhan.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ang nasabing programa ay hindi na umano ito bago sa mga ahensya dahil matagal na itong ginagawa kahit na noong nagdaang pandemya.

Binigyang-diin pa nito na hindi aalisin ng tanggapan ang programa hanggag’t hindi pa normal ang biyahe ng mga pampasaherong jeepney.