Libreng sakay ng LTFRB sa Naga, nakakaapekto sa trimobile sector

NAGA CITY – Ramdam na ngayon ng mga nasa sektor ng trimobile ang epekto ng ipinatutupad na Libreng-Sakay ng mga pampasaherong jeep sa lungsod dahil sa pagbaba na ng kanilang arawang kita.

Sa halip na sa mga trimobile sumakay ang mga pasahero sa mga jeep na lamang na Libreng Sakay .

Ito ang binanggit sa Brigada News FM Naga ni Gil Belen, na siyang federation president ng sector ng ng E-trike sa lungsod, hinggil sa epekto ng Libreng Sakay na ito ng Land Transportation and Regulatory Board o LTFRB.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Batay sa kanyang pahayag,sinabi ni Belen na hindi naman sila nagrereklamo sa magandang programang ito  ng LTFRB, subalit sana ay makita din ng ahensiya ang epektong dulot nito sa sektor nila.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Anya’y sana’y maintindihan ng ahensiya ang kanilang hinaing lalo pa at  napakataas na ng petrolyo ngayon at iba pang mga pang maintenance ng sasakyan.

Nilinaw ni Belen na suportado nila ang Lbreng Sakay at hindi naman nila ito kinokontra dahil sa napapakinabangan ito ng publiko, lalo na iyong mga araw-araw na nagbibiyahe.