“Libreng Sakay” ng LTFRB-12, tinapos na


KORONADAL CITY — TULUYAN nang tinapos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Region-12 ang “Libreng Sakay Program” nito para sa mga frontline medical workers at authorized persons outside residence o APOR.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay LTFRB-12 Regional Director Paterno Reynato Padua, kinumperma nito na tapos na noong Hunyo 30 ang Libreng Sakay dahil hanggang sa nasabing petsa lamang ang pondo na inilaan sa LTFRB-12 para sa nasabing programa.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ito’y dahil mula sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan II ang pondo na nag-expire na rin noong Hunyo 30. Dagdag pa ni Padua na babalik lamang ang programa sakaling maglalaan muli ng pondo ang gobyerno para dito. Dito sa South Cotabato, isa sa kinontrata ng LTFRB-12 ang Yellow Bus Lines Incorporated para sa nasabing programa.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu