Libreng medical screening, salamin sa mata at surgery, isasagawa sa una at ikalawang Distrito ng Camarines Norte.

CAMARINES NORTE- Magsasagawa ng libreng medical screening, salamin sa mata at surgery ang dating gobernador ng Camarines Norte para mga residente ng una at ikalawang distrito

Para sa ika-22 ng Abril, ang mga bayan ng Basud, Vinzons, Talisay, Daet, San Vicente, San Lorenzo, at bayan ng Mercedes na nasasakupan ng ikalawang distrito, isasagawa ang libreng Medical Screening at Libreng salamin sa mata para sa mga mag-aaral. Gaganapin ito sa ikatlong palapag ng SM City daet

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Para naman sa ika-24 ng Abril, ang mga bayan sa unang distrito naman na kinabibilangan ng bayan ng Labo, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga, at bayan ng Sta. Elena ang magkakaroon ng Libreng medical screening at surgery para sa may problema sa mata, bingot at ngongo; clubfoot; at below the knee amputee.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Gaganapin naman ito sa Jimmy Pajarillo Lo Sports Complex sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.