Ipinanawagan ng League of Provinces of the Philippines (LPP) na dapat munang konsultahin ang bawat local government units bago padalhan ng pamahalaang nasyunal ng mga bakuna kontra covid-19.
Ayon kay Marinduque Governor at LPP President Presbitero Velasco Jr., ito kasi ang nagiging problema ng mga lokal na pamahalaan kung kaya’t minsan ay nagkukulang ang kanilang supply ng COVID-19 vaccines.
Kaugany nito, nilinaw naman ng opisyal na hindi nagrereklamo ang mga local chief executives kaugnay sa suplay ng bakuan kundi humihingi lamang aniya sila ng pabor sa national government lalo na’t hindi pa dumarating ang mga bakunang inorder ng mga LGU.
Mababatid na una nang nanawagan si Iloilo City Mayor Jerry Treñas ng karagdagang supply ng bakuna kontra covid-19 dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga bagong tinatamaan doon ng nasabing sakit.