NAGA CITY- Sinira ng magnitude 7 na lindol ang mga kabahayan, historical structures, pati simbahan sa Vigan, Ilocos Sur.
Ngayon, unti-unting bumubuhos ang tulong mula sa pamahalaan. Sa panig ng Naga City, hindi pa matiyak kung makakapagpadala ng tulong sa mga apektadong pamilya, kahit na sister City ang Vigan kailangan munang masilip kung may budget pang pwedeng mailabas.
Ito ay ayon kay topnotcher City Councilor Dr. Jess Albeus nang matanong ng Brigada News FM. Paliwanag ni Albeus, mukhang mahihirapan ang Naga dahil inihahanda rin ang P8M na budget para sa Peñafrancia Festival, mas mababa na nga ito sa dati rating budget na P12M. Nagtitipid din ang lungsod dahil napakataas na ng singil sa kuryente, pinagkakasya ang ang pondo para sa taong ito.
Ganunpaman sinabi ng konsehal na bubuksan niya ito sa konseho dahil baka may iba pang pamamaraan.