LGU Legazpi hinihintay pa ang tugon ng Bicol IATF sa kahilingang ipasailalim sa MECQ ang lungsod

BICOL—Hinihintay na lamang ngayon ng lokal na gobyerno ng lungsod ng Legazpi ang tugon ng Bicol IATF hinggil sa kahilingang maipasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lungsod.

Ito ay bunsod na rin ng patuloy na pagdami ng mga tinatamaan ng COVID-19 kung saan halos araw araw ay nakakapagtala ng kaso ang lungsod.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon kay Mayor Noel Rosal, ang kanilang kahilingan ay base na rin sa proposal ng Philippine Medical Association at Philippine College of Physicians na ipasailalim sa MECQ ang Legazpi City.

Aminado ang Local COVID-19 task force na nakakaalarma ang kalagayan ngayon ng lungsod pagdating sa kaso ng COVID-19.

Sa ngayon ay nananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang quarantine classification ng lungsod.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Una nang sinabi ni Rosal na hindi malayong maisailalim din ang lungsod sa MECQ gaya ng nangyari sa Naga City kung patuloy pang tataas ang kaso ng sakit.

Kahapon, 25 na panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa lungsod ng Legazpi.###

Photo: markmaranga