LGU-Camalig sa Albay, tumanggap ng bagong ambulansya mula sa PCSO

BNFM BICOL—Tumanggap ang LGU-Camalig sa lalawigan ng Albay ng isang karagdagang ambulansiya mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Batay sa ulat, ang naturang ‘patient transport vehicle’ ay naglalaman ng kumpletong Basic Life Support equipment, tools at iba pang mga kagamitang medical.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ang pamamahagi ng nasabing ambulansya ay bahagi umano ng layunin ng PCSO na mapabuti ang kakayahan ng bawat lokal na pamahalaan pagdating sa emergency response.

Ibibigay ito sa pangangalaga ng MHO-Camalig kung saan regular din itong isasailalim sa disinfection bago at pagkatapos ng arawang COVID at non-COVID operations ng Municipal Health Emergency Response Team.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Sa kasalukuyan, lima na ang mga ambulansyang nagagamit sa bayan ng Camalig kung kaya’t inaasahang mas mapapabilis nito ang pag responde sa mga mamamayang mangangailangan ng asistensya medical.###