LGU Buhi sa Camarines Sur, nakahanda sa posibleng epekto ng El Niño Phenomenon

NAGA CITY – Inaasahang magsisimula ang El Niño Phenomenon sa Hulyo, ito’y ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.

Kung saan nakikitang maapektuhan ang mga sakahan o mga taniman maging supply sa mga patubig o tubig inumin posibleng magkukulang. Umaabot na nga rin sa mahigit 40 celsius ang mararamdamang temperatura sa ilang bahagi ng Bicol Region.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mark Anthony Nazarrea, Information Officer ng LGU BUhi , sinabi nitong nakahanda sila sa mga posibleng epekto ng El Niño kahit pa ang bayan ay napapa-ikutan ng tubig, walang ikinababahala ang LGU hinggil sa magiging supply dahil maraming mapagkukunan ng tubig na magsusuplay lalo na sa mga sakahan na karamihan ay mga maisan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Samantala, nitong nakaraang araw apat na Unit ng Pump Irrigation System para sa mga corn farmer association sa bayan ang ibinigay ng LGU mula sa Department of Agriculture Bicol bilang suporta at tulong sa mga magsasaka lalo na’t kailangan ito ngayong sobrang init ng panahon.