Letran, wala nang pagasa makaakyat sa Final Four ng NCAA

Hindi na madedepensahan ng defending champion Letran Knights, ang kanilang korona sa NCAA Season 99 matapos silang pabagsakin ng EAC Generals sa iskor na 82-69.

Ito na ang ika-11 na talo ng Letran; habang isa pa lamang ang kanilang panalo.

Read More:  Carlo Paalam defeats world champ Makhmud Sabyrkhan, secures spot in Asian Games gold medal bout

Ibig sabihin, wala na silang pagasa na makaakyat pa sa final four.

Samantala, naging tensyonado naman ang huling sandali ng laban sa pagitan ng top 2 teams na Mapua Cardinals at Lyecum Pirates kahapon.

Read More:  Philippines to host two WTA Tournaments in 2027

Tatlong technical fouls ang tinawag ng referee matapos magkainitan si Peter Rosillo ng Mapua at Shawn Umali ng Lyceum.

Nagtapos ang laban sa iskor na 86-82; pabor sa Lyceum.