Ikinalungkot ni Ginoong Jomar Mariñas ang pagkasawi ng isa umanong Leopard Cat matapos mabangga ng truck ganap na 9:30 gabi ng Martes, January 16, 2024 sa Barangay. Bato-Bato Narra, Palawan.
Ayon rito, papatawid sana umano ang hayop nang biglang may paparating na truck dahilan para mabundol ito.
Ang Palawan Leopard Cat ay isang small wild cat na kabilang sa mga pinangangambahang maubos sa lalawigan, at isang maliit na uri ng pusa na matatagpuan sa Asya.
Kilala ito sa kanyang leopard-like na balat na may maliliit na spot.
Dahil dito nagpaalala naman agad sa publiko si kapitan Ernesto Ferrer na kung makakita ng ganitong buhay ilang ay itaboy lamang papunta sa gubat at huwag saktan.
Samantala, itinabi sa gilid ng kalsada ni Jomar ang nakitang patay na hayop.