BICOL—Isa na ang lungsod ng Legazpi sa mga nangunguna pagdating sa vaccination rollout laban sa COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Mayor Noel Rosal, mismong si Department of Health (DOH) Bicol Regional Director Ernie Vera ang bumati sa kanya hinggil sa magandang turnout ng vaccination effort sa lungsod.
Sa ngayon anya, nasa 48% na ng 70% target population ng Legazpi ang nababakunahan.
Target ng lokal na pamahalaan na makamit ang herd immunity sa Disyembre kung kaya puspusan na ang vaccination efforts na ayon sa alkalde dadalhin nang muli sa mga barangay.
Bumuo ang LGU ng vaccination team na bababa sa northern ans southern barangays ng lungsod para bakunahan na rin ang mga edad 18-anyos pataas habang magpapatuloy pa rin ang pagbabakuna sa Legazpi City Convention Center sa mga mall.
Oras anya na maabot ang 50% ng target population ay sisimulan na rin nila ang pagbakuna sa mga nasa edad 12 hanggang 17-anyos na una nang sinimulan sa National Capital Region (NCR).
Ibubukas din umano nila ang pagbakuna sa mga taga ibang munisipyo maliban pa sa mga nagtatrabaho sa loob ng Legazpi.
Kabilang sa mga abilableng bakuna sa lungsod ay Moderna, Pfizer, Astrazeneca, Sinovac at Sputnik V.### ||slm, with reports from BNFM Legazpi