BNFM BICOL—Inanunsiyo ng Department of Health-Bicol, na ang lungsod ng Legazpi ang may pinakamataas na vaccination coverage mula sa pitong mga lungsod sa Bicol region.
Batay sa pinaka latest na datus ng ahensya, nasa 94.48% na ng 80% na target population ng Legazpi City ang bakunado na kontra COVID-19; pumapangalawa naman ang lungsod ng Naga na may 80.60% na vaccination coverage.
Ikatlo ang Sorsogon City na may 79.83%; may 77.33% ang Masbate City; ika-lima naman ang Iriga City na may 75.69%; ang Tabaco City ay may 74.46% habang 71.68% naman ang vaccination coverage ng lungsod ng Ligao sa lalawigan pa rin ng Albay.
Samantala sa kabuuan, nasa 3.6 milyon na umanong mga Bicolano ang nabakunahan laban sa virus na katumbas naman ng 73.11% ng target na population sa rehiyon.###