Legazi City Mayor’s Office, planong magsulat sa SP para sa dry run ng bagong ruta ng modern jeep

LEGAZPI CITY – Pinaplano ng Legazpi City Mayor’s Office na sulatan ang Sangguniang Panglungsod (SP) para sa gagawing dry run ng bagong ruta ng modern jeepneys sa lungsod.

Ayon kay Chito Baldo, head ng 911, kailangang sulatan muna ni Mayor Geraldine Rosal ang SP para humingi ng permiso na pagsasagawa ng nasabing aktibidad.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Aniya, oras na matanggap ang sulat ay magsusulat din ang SP sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para masimulan na ang dry run.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Titingnan kasi umano nila kung epektibo ang pagkakaroon modern jeep sa northern at southern barangay at nilinaw nito na hindi kasama sa ruta ang Daraga-Legazpi vice versa dahil ang Pamahalaang Panlalawigan ang humahawak nito.