Lebron James – sabik makita ang anak na maglaro ng basketball sa USC

Sabik na sabik na si Lebron James na masilayan ang kanyang anak na si Bronny na maglaro para sa University of Southern California (USC).

Ayon kay Lebron, nilo-look forward niya ang araw na maglalaro ang kanyang anak sa hard court.

Read More:  Carlos Yulo advances to vault, floor exercise finals at World Championships

Sa katunayan sinabihan na raw ni Lebron ang kanyang teammates na sakaling sumabay sa araw ng laro ni Bronny ang kanilang game ay babawi na lamang siya sa kanyang koponan sa next game dahil pipiliin nito mapaunod ang anak.

Read More:  Capital1 outlasts Akari in five-set thriller; Bella Belen erupts for career-high 35 points

Kamakailan lang ay pinayagan na si Bronny na bumalik sa basketball court.

Matatandaang noong Hulyo ay sinugod sa ospital si Bronny matapos nitong magkaroon ng cardiac arrest habang nasa court.