Lea Salonga magkakaroon na ng wax figure sa Singapore

Natuwa ang maraming fans ni Lea Salonga dahil magkakaroon na ng sariling wax figure sa Madame Tussauds museum sa Singapore ang Miss Saigon at real life Disney princess.

Base sa ibinahaging post ng Madame Tussauds Singapore makikita na sinusukatan na si Lea para sa wax figure.

Binati naman ng ilang celebrity at influencer si Lea Salonga.

Samantala, maliban kay Lea marami na ring mga modelo at influencer ang nagkaroon ng wax figure kagaya na lang Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Manny Pacquiao, at Anne Curtis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *