Late testing and detection ng HIV, isa sa rason sa pagkakamatay ng ilang pasyente -Epidemiologist

NAGA CITY – Isa sa mga rason kung bakit may mga namamatay pa rin sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa kabila ng mga gamot at paraan upang mapabagal ang pagkalat nito sa katawan ay ang late detection o ang late na pagpapatest.

Sa isinagawang press conference kahapon ng Naga City Social Hygiene Clinic patungkol sa pagpapalakas ng HIV response sa lungsod, sinabi ni Dr. Joey Rañola, Chief Epidemiologist ng Bicol Medical Center, karamihan sa mga namamatay ay ang mga newly diagnosed at mga indibidwal na pansamantalang huminto sa pag-inom ng gamot.

Taong 2023 nang may ilang indibidwal sa Naga City ang namatay dahil sa nasabing virus. Sa kasalukuyang talaan ng Bicol Medical Center, 725 na mga indibidwal sa buong Bicol Region ang sumasailalim sa gamutan at 160 rito ang galing sa Naga City. Nakikita rin nila na posibleng tumaas pa ang kaso sa lungsod kaya’t patuloy rin ang panghihikayakat nila na magpatest agad upang maagapan ang paglala nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *