Lalaking umawat sa away ng katrabaho, patay nang masaksak

Patay ang isang lalaking umawat sa away ng katrabaho nang masaksak sa Bisperas ng Pasko.

Batay sa ulat ng Quezon Police, nakipag-inuman ang biktima sa suspek na si Alyas ‘Daniel’ kasama ang kanilang mga kaibigan.

Read More:  Two soldiers killed in Maguindanao del Norte ambush

Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang salarin at ang isa sa mga nakainuman nito.

Read More:  ‘Butlak’ aims to surpass P151-M sales from 2025 Negros Trade Fair

Sinubukang pigilan ng biktima pero humugot si Alyas ‘Daniel’ ng kutsilyo at pinagsasaksak ng maraming beses ang biktima.

Dead-on-arrival ang biktima; habang ang suspek naman ay tumakas at kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.