Muntik ng masagasaan ng tren ang isang lalaki sa Argentina matapos na hindi niya mapansin na nasa riles na pala siya.
Ayon sa mga otoridad, abala kasi ang lalaki sa kaniyang cellphone habang naglalakad at tumatawid sa kalsada.

Maswerte namang nakaiwas ang lalaki at hindi siya nagkaroon ng anumang sugat sa katawan.
Babala ng mga otoridad na huwag cellphone ng cellphone kapag bumi-byahe lalo na kapag tumatawid.