Lalaking nawawala sa New york, kinidnap ang sarili para maiwasan ang pagtatanong ng kasintahan

ISANG lalaki sa New York na si Rahmell Pettway, ang nawala ng dalawang linggo nang hindi nagpaparamdam sa kanyang girlfriend, dahil sa hindi nya alam kung pano muling magpapakita sa kanyang kasintahan idinahilan niya na siya ay nakidnap.

Sa kanyang pakulo pinalabas niya na binihag siya, nilagyan niya ng duct tape ang kanyang bibig, tinalian mga paa at kamay at saka humiga sa Brooklyn Road na tila ba iniwan siya roon matapos ang dalawang linggo na pagkakabihag.

Agad naman rumesponde ang kapulisan sa nasabing lugar at inimbistigahan ang mga nangyare.

Sa pagsasalaysay ni Pettway tila ba nakatunog ang mga pulis na hindi ito nagsasabi ng totoo dahil sa mga kwento nitong hindi kapani-paniwala.

Kalaunan, ay umamin rin si Pettway na gawa-gawa niya lamang ang lahat at siya mismo ang kumidnap sa kanyang sarili sa kagustuhan niyang maiwasan ang matinding pagtatanong ng kanyang kasintahan.

Hindi na sinabi ni Pettway kung ano talaga ang naging dahilan ng kanyang pagkawala.###CD