Lalaking nakulong sa kasong pagnanakaw, leader pala ng NPA

Inihain ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Palawan ang warrant of arrest laban kay Sonny Rogelio na nakakulong sa Provincial Jail Management Division sa Puerto Princesa City hapon ng Miyerkules, Ika-3 ng Hulyo.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Ito ay myembro umano ng New People’s Army (NPA) at may kasong paglabag sa Republic Act 11479 (Anti-terrorism Act of 2020).

Si Sonny ay ang Platoon Leader ng Kilusang Larangang Guerilla (KLG)-North Sub-Regional Military Area (SRMA)-4E at itinuturing na Most Wanted Person sa probinsya ng Occidental Mindoro.

Read More:  ₱4.35-M worth of smuggled cigarettes seized in Negros Occidental

Samantala, ito ay una nang nakulong sa Palawan dahil sa kasong pagnanakaw.