Lalaking nagpapastol , tinamaan ng ligaw na bala sa Batangas

Nagpapagaling na ngayon sa ospital ang isang 51-anyos na lalaki matapos na tamaan umano ng ligaw na bala habang nagpapastol ng kanyang alagang hayop malapit sa highway sa Tanauan City, Batangas.

Kinilala ng Tanauan City Police Station ang biktima na si Dominguito Barberan y Aguilar, caretaker, tubong Rapu Rapu, Albay at kasalukuyang residente ng Purok 1, Brgy Wawa, sa naturang lungsod.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon sa salaysay ng biktima, dakong alas-5:30 ng hapon kahapon, Agosto 24, 2022 habang siya ay nagpapastol ng mga alagang hayop ay may narinig siyang sunod-sunod na putok ng baril.

Ang naturang putok umano ay galing sa dumaang itim na SUV kung saan nakasakay ang hindi pa nakikilalang suspek.

Tinamaan ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na nagkataong nasa likod ng puno ng kahoy at saging at hindi ito nakita ng suspek.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Masukal at madamo ang paligid kaya posibleng hindi napansin ng gunman na naroon pala ang biktima.
Narekober ng mga rumespondeng pulis ang apat na basyo ng cal.9mm.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng naturang indiscriminate firing.