LEGAZPI-Hinuli ng pulisya ang isang binata matapos ireklamo ito ng pag iiskandalo sa Municipal Social Welfare Development (MSWDO) ng Guinobatan sa Municipal Bldg, Brgy Poblacion, ng nasabing bayan.
Kinilala ang suspek na si Ruel Ocfemia Morato, residente ng Brgy. Ilawod habang kinilala ang nagrereklamo na empleyado ay si Charmaine Nuyda Opeña, 36 anyos, MSWD, may asawa, residene ng P-2, Brgy Malipo ng kaparehong bayan.
Ayon sa report, nakatanggap ng tawag ang Guinobatan MPS mula sa nagrereklamo tungkol sa ginagawa ng suspek na alarm and scandal sa pamamagitan ng pagsigaw sa kanilang opisina.
Agad na pinuntahan ng mga awtoridad ang lugar upang damputin ito at ng maabotan ng mga pulisya ang suspek, walang tigil sa pagsisigaw.
Dahil dito napilitan ng arestohin ang suspek.
Sinubukan pa sanang patahimikin ng mga awtoridad ang suspek ngunit hindi mapigilan sa kakasigaw nito sa lugar.
Ang suspek na nahuli ay pansamantalang nasa kostudiya muna ng nasabing himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.