Lalaking inanod sa Marikina River, hindi pa rin nahahanap

Ipinagpatuloy na kaninang bandang mag-aalas onse ng umaga ng Marikina City Disaster Risk Reduction Management Office Rescue 161 at Marikina Bureau of Fire Protection Special Rescue Unit ang paghahanap sa lalaking inanod, matapos suspendihin muna kahapon ang rescue operation dito dahil sa lakas ng bagyo dala ng habagat.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon ang dalawampu’t dalawang taong gulang na si Jerome Racelis na tinangay ng malakas na agos ng tubig sa Brgy. Tumana, Marikina.

Ayon sa mga nakasaksi, naganap ang insidente matapos umanong tumawid ni “Jerome” sa ilog upang puntahan ang kanyang kaibigan na nangingisda sa kabilang panig.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng operasyon sa paghahanap dito.