Lalaking galing sa sayawan, natagpuang patay sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Natagpuang patay ang lalaking galing sa sayawan sa Goa, Camarines Sur.

Ayon sa report ng Goa PNP 9:30 ng umaga ng maiparating sa kanilang kaalaman ang pagkakadiskubre ng bangkay ng isang lalaki sa Sitio Palayan Brgy. Lamon  nakilala itong si Rolando Romero, 30-anyos ng parehong lugar.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Huling nakitang buhay si Romero sa isang sayawan sa Barangay ng nagdaang Disyembre 3 kung saan lasing na lasing ito.

Read More:  Man arrested in Maguindanao del Sur over alleged murder of LGBTQ individual in Davao City

Wala namang nakitang senyales ng foul play sa insidente at walang nakita ang PNP ng anumang sugat sa katawan ng biktima.

Hinihintay ng PNP ang resulta ng medical test upang matukoy ang sanhi ng pagkasawi.