Lalaki timbog sa buy bust operation sa bayan ng Paracale, baril at droga nasamsam

CAMARINES NORTE- Timbog ang isang lalaki sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Purok 7A, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Gabriel San Gabriel y Gabriel 41, binata, gatekeeper ng Daet Cockpit sa Purok 3 Barangay III sa bayan ng Daet.

Ayon sa PNP, nakabili umano sa suspek ang umaktong poseur buyer ng isang katamtamang laki ng selyadong pakete ng hinihinalang shabu.

Nakuha rin dito ang walo pang piraso ng maliliit na pakete ng hinihinalang shabu  na nagkakahalaga ng nasa P4.000.00 at buy bust money.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Bukod sa iligal na droga nakuhaaan din ang suspek ng isang 45 pistol na kargado ng isang magazine na naglalaman ng anim na bala.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ayon sa pamunuan ng PNP sa Camarines Norte patuloy pa itong magsasagawa ng operasyon kontra iligal na droga at baril.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ito ay upang masigurong mahuhuli at masasawata ang mga taong walang takot na nagpapakalat ng iligal na droga dito sa lalawigan alinsunod umano sa kautusan ni PNP Chief PGen. Guillermo Lorenzo ELeazar na noong isang lingo ay bumisita sa lalawigan.

(Photo courtesy: Aris Alexopolus)