Pasok sa Guinness World Record ang isang bakasyunistang lalaki sa Italy matapos niyang paikutin ng 83 beses ang poi balls sa himpapawid sa loob lamang ng isang minuto.
Ayon kay David Rush, nais umano niyang makapagtala ng world record habang nasa bakasyon at naisipan niyang gawin ang pagpapaikot ng poi weaves na hihindi lalagpas sa ilang minuto.
Aniya, dalawang beses nyang tinangkang gawin ang nasabing aktibidad, ang una ay sa harap ng tanyag na Leaning Tower of Pisa kung saan nagkabuhol-buhol ang kanyang mga string at pinakiusapan sya ng mga awtoridad na lumipat ng ibang lokasyon.
Hindi sumuko si Rush sa pag-abot ng kanyang adhikain na makuha ang record kaya naman pumunta siya ng Le Cornglia in Cinco Terra upang gawin ulit ang poi weaving nang matagumpay.
Samantala, nasa 200 Guinness Record na ang kanyang nagawa na may kaugnayan sa pagpapahayag ng edukasyon patungkol sa Science, technology, engineering, and mathematics (STEM).### ROWELYN SARALDE, Intern