Lalaki sa Burdeos, Quezon, nang-holdap gamit ang toy gun

Arestado ang isang lalaki matapos nitong pagnakawan ang kahera ng isang tindahan sa Barangay Poblacion, Burdeos, Quezon nitong Linggo, Marso 3.

Ayon sa police report, bumili muna umano ng softdrinks ang naarestong suspek na si alyas “Jayvee”, 31-anyos, bago ito nag-deklara ng holdap subalit hindi ito pinansin ng kahera.

Read More:  ₱3.7M worth of suspected marijuana seized in Cebu City

Mas lumapit ang suspek biktima kung kaya tinawag nito ang kanyang katrabaho na nagdulot ng pagkataranta sa suspek.

Read More:  Ambulance caught carrying ₱1.08 million smuggled cigarettes in Lanao del Norte

Samantala, natangay naman ng suspek ang cellphone ng biktima subalit narekober rin ito ng mga awtoridad kasama ang toy gun na ginamit matapos maaresto kalaunan.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.