Lalaki, pinagbabaril ng nakainuman sa Pitogo, Quezon

Sugatan ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng kanyang nakainuman sa Barangay Ilayang Pina, Pitogo, Quezon nitong Lunes, Hunyo 17.

Bago umano ang insidente, nag-iinuman noon ang suspek at ang biktima kasama ang isa pa nilang kaibigan nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa na agad namang naawat.

Read More:  American, Filipina couple found dead inside Dumaguete home after shooting

Nang paalis na ang biktima sakay ng motor banca, doon na nagpaputok ng baril ang 76-anyos na suspek na tumama sa kaliwang kamay nito.

Read More:  Teen allegedly killed by stepfather after separation in Cebu

Samantala, dinala naman sa pagamutan ang biktima para malapatan ng lunas.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong Attempted Murder.