Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril sa isang lalaki sa Barangay Pansol, Padre Garcia, Batangas.
Kinilala ng Padre Garcia Municipal Police Station (MPS) ang biktima na si Sherwin Solis, 30 anyos, residente ng Barangay Pansol, Padre Garcia, Batangas.
Ayon sa imbestigasyon, ala-sais kinse ng umaga ng ika-11 ng Abril, habang sakay ng itim na motorsiklo ang biktima para ihatid ang kanyang asawa patungo sa trabaho ng tambangan at pagbabarilin ng suspek na si Ryan Tapalla, residente rin ng nasabing barangay.
Anim na tama ng bala ang natamo ng biktima sa ibat-ibang parte ng katawan na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Kaagad namang tumakas ang suspek sakay ng tricycle patungong San Antonio, Quezon.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang siyam na basyo ng kalibre 9mm.
Sa ngayon ay pinaghahanap na ng kapulisan ang nakatakas na suspek.