Lalaki, patay sa aksidente sa Padre Burgos, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos sumalpok ang minamaneho nitong tricycle sa dalawang nakaparadang motor sa Barangay Marao, Padre Burgos, Quezon nitong Martes, Abril 2.

Bandang alas-8:30 ng gabi, binabagtas noon ni alyas “Alex”, 44-anyos ang direksyon patungong Unisan nang sumalpok ito sa nasabing mga sasakyan na noon ay nakaparada sa harap ng isang vulcanizing shop at nawalan ng kontrol sa minamaneho.

Read More:  Binalbagan River residents brace for foul odor, murky water as milling season opens

Nagtamo ng mga injury sa ulo ang si Alex kung kaya isinugod ito sa hospital subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Read More:  Bishop raises family, social concerns over Boracay casino

Sa ngayon, isinara na ang nasabing kaso dahil sa pagkasawi ng driver ng motorsiklo.