Lalaki, patay matapos mabundol ng motor sa Calauag, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong mabundol ng motorsiklo sa Barangay Sumilang, Calauag, Quezon nitong Linggo, Abril 7.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, binabagtas noon ng motor na minamaneho ni alyas “Rafael”, 25-anyos ang direksyon ng southbound nang aksidente nitong mabundol ang biktima na bigla umanong tumawid.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Nagtamo ng mga injury sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima, driver at dalawa nitong backriders kung kaya isinugod ang mga ito sa hospital subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician ang biktima.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Sa ngayon, patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing aksidente.