Lalaki, naloko umano matapos pagbentahan ng internet TV box

Nagpasaklolo sa Brigada ang isang Peter Paoner ng Barangay San Manuel sa Puerto Princesa matapos siyang bumili ng isang internet TV box sa isang lalaki pero hindi niya naman magamit.

Nitong Linggo inalok siya ng nagpakilalang “Arnel Peña” sa halagang P3, 500. Sa pamamagitan umano nito ay makakapanood na ng ilang Tv channel at may internet pang kasama.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ayon pa rito, kailangan lang “i-update” ang unit para tuloy-tuloy na magamit at isang beses lang itong kailangang load-an.

Sinabi pa raw ng lalaki na marami na siyang naging customer o napagbentahan ng kaparehong produkto.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Pero nang gamitin na ito ay hindi ito makapag-bukas ng kahit anong application sa smart phone dahil sa mahinang connection.

Samantala, hindi na ngayon sumasagot sa tawag ang numerong ibinigay ng lalaki kay Peter matapos itong mangako na aayusin ang unit at siya’y mabayaran ng naturang halaga.