Lalaki, nakuhaan ng 16 na sachet ng pinaniniwalaang shabu sa drug buy-bust operation

KORONADAL CITY — ARESTADO ang isang lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga otoridad kaninang tanghali sa Purok Maharlika, Zone III, nitong lungsod.

Kinilala ang suspek na si Ibrahim Sali, alyas Kobe, 38-anyos, may asawa, isang driver at residente ng Datu Anggal, Midtimbang, Maguindanao del Sur.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Nakuhaan ito ng 16 na sachet ng pinaniniwalaang shabu na may iba’t-ibang laki na humigi’t kumulang 60 gramo.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Sa ngayon, nasa kostudiya na ito ng mga otoridad at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.