Lalaki, nag-propose sa kanyang nobya sa Love Booth ng MRT3

Agaw-eksena ang surpresang proposal ng isang lalaki sa kanyang nobya sa Love Booth ng MRT3.

Ito ay kasabay ng paglulunsad ng DOTr-MRT3 ng kanilang “Love Train” bilang pakikiisa sa selebrasyon ng buwan ng pag-ibig ngayong Pebrero 2024.

Read More:  Zamboanga tricycle driver returns bag containing ₱800,000

Tampok sa naturang love train ang mga disensyong bulaklak, sweet nothings, at hugot lines para maiparamdam ang diwa ng pag-ibig sa mga pasahero.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Mamimigay naman ng bulaklak at chocolates at may photo booth pa sa Ayala Station sa darating na Araw ng mga Puso.
#