Lalaki na nagtago nang isang taon dahil sa kasong rape, arestado

SORSOGON CITY – Naarestop na ang isang lalaking pinaghahanap ng isang taon ng mga awtoridad dahil sa kasong rape.

Noo’y inireklamo ito ng isang dalaga sa pulisya dahil sa panggagahasa umano sa kanya sa loob mismo ng kanilang tahanan nang pasukin ito ng salarin habang siya ay nag-iisa.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Matapos ang panghahalay ay agad na nagsumbong ang dalaga sa himpilan ng pulisya.

Sa patuloy na manhunt operations ng mga personahe ng Balud Police ay nahuli sa Brgy Villa Alvarez ang akusado na si Angelito Pagayunan William, 44-anyos, residente ng Brgy Salvacion, ng parehong bayan. Itinuturing din itong No. 3 most wanted person ng Balud Police.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 46, Masbate City na walang kaukulang piyansa.

Naiprisenta na ito sa kanyang court of origin at hinihintay na lang ang commitment order na ibababa ng korte.