Lalaki hindi naliligo at nagse-sepilyo, dinemanda ng asawa

Isang babae sa Turkey ang nag demanda sa kanyang mister at nag file ng divorce dahil sa hindi nito pag ligo.

Ayon kasi sa asawa, laging amoy pawis ang kanyang mister at tamad pang magsepilyo.

Dagdag pa nito, limang araw bago magpalit ng mga suot na damit ang kanyang asawa.

Dahil dito, pinagbabayad ng misis ang mister niya ng PHP898,632.00 bilang danyos dahil, ayon sa korte, mahabang panahon siyang nagtiis.

Sa inilbaas ng  pinal na desisyon ang Regional Court of Justice at ang Supreme Court of Appeals, pawang pabor ito sa babae.

Malakas kasi ang naging ebidensya ng misis, lalo na’t marami ring tumestigo laban sa kanyang asawa, kabilang na ang mga nakakasama nto sa trabaho.