Lalaki, arestado sa isang drug buy-bust operation sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation sa Purok 6, Brgy. Pawa, lungsod ng Legazpi.

Kinilala ang suspek na si Kevin Dayap Lorica, residente ng nasabing barangay.

Sa isinagawang operasyon ng pulisya katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay, kumagat sa pain ang suspek matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng isang pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Nang magkaabutan na ng drug items, dito na hinuli ang suspek.

Narekober sa kanya ang isa pang suspected shabu na may bigat na humigi-kumulang 45 grams, itim na sling bag, 2 cellular phones, isang .38 caliber pistol, 6na bala ng nasabing baril at buy-bust money.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Agad na dinala sa Legazpi CPS ang suspek habang inihahana na ang kasong paglabag sa RA 9165 na isasampa laban sakanya.

Napag-alaman din na ang suspek ay convicted sa drug case sa RTC Legazpi at kalalabas pa lamang sa National Bilibid Prison nitong nagdaang mga buwan matapos itong ma-reverse ng Supreme Court.