Lalaki, arestado sa buy-bust operation sa bayan ng Guinobatan, Albay

LEGAZPI CITY – Himas-rehas na ngayon ang 43-anyos na lalaki, matapos mahuli sa buy bust operation sa P-4, Brgy. Calzada bayan ng Guinobatan, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Laabas” at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, umaga nang magsagawa ng anti-ilegal drugs operation sa lugar kung saan pinagbentahan nito ang nagpanggap na posuer buyer ng isang heat sealed transparent sachet na may laman na pinaniniwalaang shabu sa halagang P500.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Nang mapansin ng suspek na ang kanyang katransaksyon ay isa palang operatiba ay dito na siya inaresto.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Narekober pa sa kanya ang dalawang pakete na suspected shabu na may timbang na 0.231 grams na nagkakahalagang P2K .

Sa ngayon si Ocfemia ay nasa kostudiya na ng pulisya habang inihahanda na ang kasong isasampa sakanya na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.