Lalaki sa Argentina, nag-imbento ng machine para makontrol ang speaker ng kapitbahay

Ingay ng kapitbahay ang naging inspirasyon ni Roni Bandini sa kanyang kakaibang inimbentong machine na kayang kontrolin ang speaker ng inyong kapitbahay.

Ayon kay Bandini napipikon na siya sa Bluetooth speaker ng katabing unit ng kanilang condominium. Wala kasing acoustics ang condo kaya tumatagos sa wall ang pagpapatugtog nito.

Nang hindi na niya makayanan ang sobrang lakas ng pagpapatugtog ng kapitbahay, nagdesisyon si Roni na remedyuhan ang sitwasyon sa pamamagitan ng kanyang invention.

Gumawa siya ng isang machine na tinawag niyang “Reggaeton Be Gone.”

Ito ay isang machine na may microphone, isang maliit na computer at algorithm na kayang ma-detect kapag may pinatutugtog na reggaeton song.

Sinabi ni Bandini na gumamit siya ng available materials at code na siya mismo ang nag-programa.